^

Police Metro

E-trikes bawal na simula Disyembre

Malou Escudero - Pang-masa
E-trikes bawal na simula Disyembre
Metropolitan Manila Development Authority personnel load e-trikes onto a flatbed tow truck along Quirino Avenue in Parañaque yesterday following the enforcement of a ban on light e-vehicles on selected major road
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Simula Disyembre 1 ay hindi na papayagan ang mga electric tricycle o e-trikes sa mga pangunahing kalsada,ayon sa mga opisyal ng transportasyon.

Sa deliberasyon ng budget ng Land Transportation Office (LTO) para sa susunod na taon, pinuna ni Sen. Raffy Tulfo ang pagdami ng mga e-trikes na itinutu­ring na aniyang “hari ng kalsada” na dating tawag sa mga jeep.

Sinabi ni Sen. JV Ejercito, sponsor ng badyet na nangako si LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na sisimulan ang paghuli sa mga e-trikes na tumatakbo sa mga pampublikong kalsada pagsapit ng Disyembre Uno.

Sinuportahan ni Tulfo ang hakbang,na binanggit ang mga pasanin ng mga tradisyunal na drayber ng tricycle na sumusunod sa mga kinakailangan sa prangkisa, rehistrasyon at pagkuha ng lisensiya.

Ipinunto ni Tulfo na ang mga driver ng e-trikes ay hindi na kailangang kumuha ng lisensiya.

Idinagdag ni Tulfo na kapag ang mga e-vehicle ay naaksidente o lumabag sa mga patakaran sa trapiko, nahihirapan ang mga otoridad na mag-isyu ng citation dahil wala naman silang lisensiya.

Sinabi ng LTO sa mga senador na ang anumang e-trike na sangkot sa isang insidente sa kalsada ay otomatikong kukumpiskahin.

E-TRIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with