^

Police Metro

Kambal na beybi inilagay sa ref at drawer

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Kambal na beybi inilagay sa ref at drawer
Sa video na nakuha, ipinakita ng yaya ang kanyang pagkagulat nang makita ang isang beybi na nakahiga sa loob ng ref.
Pixabay / Marjonhorn

For content lang daw ng yaya…

MANILA, Philippines — Desidido ang magulang na magsampa ng reklamo laban sa yaya ng kanilang anim buwang kambal na anak matapos na inilagay ang mga ito sa refrigerator at drawer naganap, kamakailan sa Taytay, Rizal.

Sa video na nakuha, ipinakita ng yaya ang kanyang pagkagulat nang makita ang isang beybi na nakahiga sa loob ng ref.

Sambit ng yaya sa video “nauuhaw ako, iinum muna ako ng tubig”,”well, well, may bata”.

Hinanap din nito ang kakambal na nasa drawer naman ng mga damit. Nagkuwaring hinahanap ang baby na natagpuan sa drawer.

Dahilan ng yaya, ginawa lamang nila “for the content” na kanilang pinost sa kanilang social media account.

Subalit, ayon sa magulang ng kambal, nakakagalit ang ginawa ng 19-anyos na yaya na mula Zamboanga Sibugay dahil itinuring nila itong bahagi na ng kanilang pamilya.

Tumagal din ng apat na buwan ang pani­nilbihan ng yaya hanggang sa magdesisyon ang mga magulang na paalisin na ito dahil hindi na maayos ang pagtatrabaho.

Bagamat humingi ng kapatawaran ang yaya ay desidido pa rin ang magulang na ituloy ang pagsasampa ng kaso.

BABY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with