2 senior HS, nalunod sa falls
MANILA, Philippines — Dalawang senior high school ang nalunod sa malalim na bahagi ng isang falls, sa Antipolo City, Rizal nitong Huwebes ng hapon.
Nagsasagawa ng search and rescue operations ang Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) para hanapin ang mga biktima na kinilalang sina alyas “Christian”, 21, ng Cainta, Rizal; at “Andy”, 17, kapwa Grade 12 ng Antipolo City Senior High School.
Sa ulat, alas-2:14 ng hapon nitong Huwebes nang maganap ang insidente sa Sitio Upper Tulakin, Barangay Bagong Nayon, Antipolo City, Rizal.
Nabatid na katatapos lamang maglaro ng basketball sa helipad area ang magka-kaklase nang maisipan na maligo sa kalapit na fallls para mag-relax.
Habang masaya sa paliligo ay napadpad ang dalawa sa malalim na bahagi ng falls na malakas umano ang daloy ng tubig at hindi na sila lumutang na pinaniniwalaang inanod sa malayong bahagi.
Hindi na nagawa ng mga kaklase na sagipin sila dahil sa malakas ang daloy ng tubig kaya’t ini-report nila ito sa mga otoridad.
- Latest















