^

Police Metro

November 5 ‘cyber-attacks’, nabigo – DICT

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi naapektuhan ang pangunahing serbisyo sa bansa sa kabila ng isinagawang distri­buted denial-of-service (DDoS) cyber attack noong Nobyembre 5.

Ito ang iniulat ni  Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda, walang naitalang disruption sa major IT infrastructure at internet connectivity ng bansa.

Pinaghandaan na umano ng pamahalaan ang naturang pag-atake, na tinaguriang “November 5 cyber attack.”

Bagaman may nagtangkang lumikha ng mabigat na internet traffic, matagumpay itong naharang gamit ang anti-DDoS equipment ng ahensiya.

Paliwanag ng kalihim, ang DDoS ay hindi hacking o data breach, kundi isang malisyosong pagtatangka na magdulot ng traffic jam sa internet.

Hindi na tinukoy ang mga website na tinangkang biktimahin, ngunit karamihan umano ay mula sa sektor ng bangko.

Sa ngayon, wala pang bangkong nag-ulat ng anumang system disruption kaugnay ng insidente.

CYBER ATTACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with