^

Police Metro

Power plant sumabog: 1 dedo, 9 sugatan!

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pang-masa
Power plant sumabog: 1 dedo, 9 sugatan!
Map of Quezon
Wikipedia photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang in house fireman habang 9 pang empleyado ang sugatan makaraang masunog at sumabog ang isang unit ng Pagbilao Power Plant na nakatayo sa Barangay Ibabang Polo, Pagbilao, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea mula kay Pagbilao acting chief of police, PMaj. Nemecio Calipjo Jr. kinilala lamang sa alyas na “Vince” ang nasawi na nagtamo ng mga sunog sa iba’t ibang parte ng katawan habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasugatang personnel na ginagamot ngayon sa MMG Hospital sa Pagbilao, Quezon.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Pagbilao Police at Bureau of Fire Protection (BFP), nag-umpisa ang sunog sa Tripper House at Coal Dust Collector Facility ng Unit 3 ng planta ng kuryente dakong alas-8:45 ng gabi.

Kasunod ng pagsiklab ng sunog ay nagkaroon ng pagsabog at nang mag­responde ang ilan pang in house firefighting team ng kumpanya ay nakita nila sa lugar ang nakahandusay na mga biktima at mabilis na dinala sa ospital.

Samantala, kinumpirma ng Pagbilao Energy Corporation (PEC) na tuluyang naapula ang sunog na naganap sa Unit 3 ng Pagbilao Power Station sa Ibabang Polo, Pagbilao, Quezon bandang alas-9:00 ng gabi noong Oktubre 31, 2025.

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with