Pulis, 3 armado todas sa engkuwentro
MANILA, Philippines — Isang kasapi ng Special Action Force (SAF) ng PNP at tatlong armadong kalalakihan ang nasawi sa isang engkuwentro sa Barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu nitong Huwebes ng madaling araw.
Sa pahayag nitong Biyernes ng mga miyembro ng Sulu Provincial Peace and Order Council at mga local executives sa probinsya, nasawi sa engkuwentro ang criminal gang leader na si Alnaib Sahiddan Daud, dalawang kasama na sangkot sa iba’t criminal activities nang mapasok ng mga SAF ang hideout ni Daud.
Kinumpirma ng mga officials ng Sulu Provincial Police Office at ng Police Regional Office-9 ang pagkasawi ni Corporal Albasir Lauban Lumalag, kasapi ng SAF unit na nasa operational control ng director ng PRO-9.
Habang isa pang SAF member na si Patrolman Felix Ruado, ay nasugatan na agad naisugod sa Sulu Provincial Hospital.
- Latest















