Ret. generals na nanawagan ng kudeta, posibleng kasuhan
MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kasong maaaring isampa sa mga retired general na nanawagan ng pag-aklas laban sa gobyerno.
Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., na dapat lamang na maimbestigahan ang ulat kung saan hindi lamang iikot sa mga retiradong heneral kundi pati ang lahat ng indibidwal na nanawagan ng kudeta sa administrasyong
Marcos Jr.
Ang panawagan ng mga retired generals at ilang mga personalidad at indibidwal ay may kaugnayan sa kontrobersyal na isyu sa flood control projects ng DPWH, mga contractors at ilang opisyal ng pamahalaan.
Umaasa si Brawner na hindi maiisip ng AFP ang pag-aaklas dahil hindi ito magiging pabor sa bansa.
Inamin ni Brawner na nakipagkita siya sa ilang retiradong heneral noong Setyembre 20 sa pangunguna ni dating AFP Maj. Gen. Jacinto Poquiz bago ang dalawanganti-corruption rally bilang respeto sa mga ito. Nilinaw niyang hindi makikisali ang AFP sa pag-aaklas.
Nanawagan din si Brawner na tigilan ang mga ganitong panawagan dahil hindi naman ito nakatutulong sa ikabubuti ng bansa, mismong siya ay galit din sa katiwalian, subalit ang AFP ay solido at propesyonal sa kabila ng ingay politika.
- Latest




















