^

Police Metro

DPWH magbubukas ng 2K bakanteng posisyon

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos 2,000 bakanteng plantilla positions ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para mga job order employees ang prayoridad na mai-promote ni Secretary Vince Dizon.

Sa flag raising ce­remony kahapon, sinabi ni Dizon na mayroong kabuuang 1,993 DPWH plantilla positions na bukas sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, na plano nilang punuan.

Pinayuhan niya ang mga job order employees ng DPWH na kuwalipikado sa posisyon na mag-aplay na upang sila ang makakuha nito.

Paliwanag ni Dizon, nais niyang mabigyan ng pagkakataon ang mga naturang empleyado na umangat ng puwesto.

Samantala, nangako rin si Dizon sa mga naturang JO employees na lahat ng naantala nilang suweldo ay babayaran ng ahensiya sa loob lamang ng isang linggo.

Pinaalalahanan din niya ang mga empleyado ng DPWH na ipagpatuloy ang trabaho habang ginagawa ang reporma sa loob ng ahensya.

Matatandaang una nang sinibak ni Dizon ang ilang mga DPWH engineers sa trabaho dahil sa mga ghost at substandard flood control projects sa Bulacan, Batangas at iba pang lugar sa bansa.

Tiniyak naman ng DPWH chief na ­simula pa lamang ito at ipag­papatuloy niya ang paglilinis sa loob ng ahensiya.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with