^

Police Metro

Red notice hiniling ng NBI sa Interpol vs Garma

Ludy Bermudo - Pang-masa
Red notice hiniling ng NBI sa Interpol vs Garma
Former PCSO general manager attends congressional public hearing on extrajudicial killings on Sept. 27, 2024.
House of Representatives / Release

MANILA, Philippines — Pormal nang humi­ling ang National Bureau of Investigation (NBI) sa International Criminal Police Organization (Interpol) na mag-isyu ng red notice laban kay dating Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager at dating Police Colonel Royina Garma ang iti­nuturong mastermind sa Barayuga slay case.

Ang “red notice” ng Interpol ay isang kahili­ngan sa pagpapatupad ng batas sa buong mundo na hanapin at pansamantalang arestuhin ang isang tao habang nakabinbin ang extradition, ­pagsuko, o katulad na legal na ­aksyon.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nagpadala na sila ng liham sa Interpol pero ilang buwan pa umano ang itinatagal nito bago mailabas ang red notice.

Nahaharap si Garma at kapwa akusado sa kasong murder at frustrated murder sa RTC sa pagpatay kay PCSO board secretary at retired police general Wesley Barayuga noong 2020 at para sa mga pinsalang natamo ng driver ng biktima na si Jun Gunao.

Sumuko na sa NBI ang dalawa sa kanyang kapwa akusado na sina Police Lt. Col. Santie Fuentes Mendoza at ang dismiss na pulis na si Nelson Enriquez Mariano.

Ang iba pang akusado sa kaso ay sina retired police colonel at dating National Police Commission (NAPOLCOM) commissioner Edilberto Leonardo, at Jeremy Causapin.

Matatandaang inisyuhan na ng arrest warrant at pinakakansela na ng Branch 279 ng Mandaluyong Regional Trial Court ang pasaporte ni Garma at apat na iba pang idinadawit sa krimen.

PCSO

ROYINA GARMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with