^

Police Metro

Mangingisda sinakmal ng buwaya, patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 21-anyos na mangingisda ang nasawi matapos na siya ay sakmalin ng buwaya sa Rio Tuba, Bataraza, Palawan.

Naging pahirapan ang pagkuha sa bangkay na katawan ng biktima na kinilalang si Leonardo Casio, 21-anyos dahil sa presensya ng buwaya sa tabi nito.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay dayo lang sa Bataraza mula sa bayan ng Taytay, Palawan para mangisda at nakadaong ang bangka para magkarga ng yelo.

Nabatid na ala-1:00 ng madaling-araw noong Miyerkules, Oktubre 15, habang nakahiga sa gilid ng bangka ang biktima ay bigla itong sinakmal ng buwaya sa ulo saka hinila sa bakawanan.

Alas-5:20 ng hapon nakuha ang katawan ng biktima na nagtamo ng maraming sugat sa katawan at ulo.

Nabatid na hindi ito ang unang pag-atake ng buwaya sa lugar dahil may ilang mangingisda na rin ang nasakmal nito at nasawi habang nag-aayos ng kanilang lambat.

BUWAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with