Mister utas sa love triangle
MANILA, Philippines — Isang 43-anyos na mister ang nasawi matapos pagtatagain ng dating asawa ng kanyang lover makaraang sila ay magpang-abot naganap kamakalawa sa Brgy. Bayombon, Masbate City, Masbate.
Ang nasawing biktima na nagtamo ng maraming taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Leo, habang ang suspek na naaresto ng mga rumespondeng pulis sa pagamutan ay nakilalang si Benjie na nakaratay sa ospital dahil sa taga ng nasawing biktima.
Sa ulat, alas-3:00 ng hapon sakay sa isang “habal-habal” motorcycle ang biktima kasama ang kinakasamang si Michelle.
Pagdating sa lugar ay pinara ang motorsiklo ng nakaabang na si Benjie na dating asawa ni Michelle na armado ng itak.
Paghinto ay agad pinagtataga ng suspek ang biktima na kahit sugatan ay nagawa pa na bunutin din ang kanyang itak at nakipagsabayan ng taga sa suspek bago ito tuluyang humandusay sa kalsada at namatay.
Dahil sa sugatan ay hindi na umano nagawa pang tumakas ng suspek kaya inabutan ito ng mga rumespondeng pulis at inaresto saka dinala sa pagamutan.
- Latest















