Mangingisda nasapol ng kidlat, utas
MANILA, Philippines — Isang mangingisda ang nasawi matapos tamaan ng kidlat sa Barangay Bundukan, Nasugbu, Batangas nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si alyas “Allan”, 48, mangingisda.
Ayon sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali ay namumulot ang biktima kasama ang isang Nicholas Ibanez, mangingisda ng mga alimango at kabibi sa isang maputik na bahagi ng latian.
Bigla na lamang kumidlat at direktang tinamaan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Agad ipinaalam ni Nicholas sa pamilya ang insidente at nang malamang patay na biktima ay nagpasya na huwag itong dalhin sa ospital.
Pumirma rin ng waiver ang pamilya na pormal na tinanggihan ang pagsasagawa ng autopsy examination.
- Latest





















