^

Police Metro

Mga sundalo nanumpa muli ng Code of Conduct

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa gitna ng mainit na isyu nang panghihikayat sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga retiradong heneral at senior officers, religious groups gayundin ng mga sibilyang grupo na pangunahan ang pagbaliktad ng suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na ang opsiyon ay maglunsad ng coup de etat at military junta ay mu­ling nanumpa ang mga sundalo sa Code of Conduct na ipagtatanggol ang Saligang Batas ng bansa at ang mamamayan nito.

Inamin naman ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na nagngingitngit ang mga sundalo sa nabulgar na matinding korapsyon sa flood control projects ay hindi naman aniya ito magbubunsod sa panibagong military adventurism o kudeta.

Sa Camp Aguinaldo, pinangunahan ni Brawner ang selebrasyon sa ika 35 taong anibersaryo ng AFP Code of Conduct at naglunsad na rin ng 90th anniversary logo ng AFP. Dito’y muling isinagawa ang ‘oath of allegiance’ ng mga sundalo sa Konstitusyon at mamamayan ng bansa.

Habang sa Fort Bonifacio ay pinangunahan naman ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Antonio Nafarette ang tropa ng hukbong katihan sa ‘renewal of the pledge of allegiance’ sa AFP Code of Conduct kaugnay ng isinagawang simultaneous flag raising ceremony nitong Lunes sa kanilang mga himpilan.

CODE OF CONDUCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with