^

Police Metro

Lider ng tribo pinugutan ng ulo

John Unson, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang etnikong Teduray leader ang binugbog at pagkatapos ay pugutan pa ng ulo ang isang etnikong lider ng Teduray sa Barangay Limpongo sa Datu Hofer, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Martes.

Sa report ni P/Col. Sultan Salman Sapal, Provincial Director ng Maguindanao del Sur Police, kinilala ang nasawing biktima na si Nel Lupos, 60-anyos mula sa tribong Teduray-Lambangian sa isang komunidad sa lalawigang ito.

Si Lupos ay dating konsehal ng Brgy. Mantao, Datu Hoffer Ampatuan at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Limpongo ng nasabing bayan.

 Ang bangkay ng biktima ay positibo namang kinilala ng kaniyang pamilya at ni tribal chieftain Leticio Datuwata ng Timuay Justice and Governance ng kanilang lipi.

Sa salaysay ni Datuwata, kasalukuyang nagpapahinga ang biktima sa kubo nito nang dumating sa lugar ang mga armadong lalaki at kaladkarin ang biktima palabas saka pisikal na saktan ito na humantong sa pamumugot ng ulo.

Nabatid pa na lumipat sa Brgy. Limpongo si Lupos matapos  paslangin ang kaniyang kasamahang lider rin ng tribo na si Baywan Angan sa Brgy. Mantaw ng nasabi ring bayan noong Disyembre ng nakalipas na taon.

BEHEADED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with