Quiboloy muling dinala sa ospital - BJMP
MANILA, Philippines — Inihayag nitong Martes ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na muling isinugod sa pampublikong ospital si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy noong Setyembre 11 matapos mahirapang huminga,
Ayon kay BJMP spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera na lumabas naman sa pagsusuri na mayroong Community Acquired Pneumonia (Moderate Risk) si Quiboloy, subalit ngayon ay nasa stable ng kondisyon.
Agad aniyang ipinaalam sa Pasig City Regional Trial Court ang kondisyon at noong Setyembre 15 ay naglabas ito ng utos na pahintulutan ang kanyang pagpapaospital.
Matatandaang una nang isinugod sa ospital si Quiboloy ilang buwan na ang nakalilipas dahil sa mga iniindang karamdaman.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng BJMP si Quiboloy kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya, kabilang ang human trafficking at sexual abuse.
- Latest
















