Trader pumalag sa holdap, inutas
MANILA, Philippines — Isang negosyante ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng mga holdaper matapos na manlaban kahapon ng madaling araw sa Brgy. Kamias, Quezon City.
Hindi na umabot ng buhay sa Quirino Memorial Medical Center ang biktimang si alyas “AJ”, 36, ng Brgy. Kamias, QC dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.
Sa pagsisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Unit Quezon City Police District (CIDU QCPD), nangyari ang krimen, alas-2:40 ng madaling araw sa harap ng bahay ng biktima.
Kababa pa lamang sa motorsiklo ng biktima kasama ang kaibigan na si alyas “Ken” nang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek na armado ng baril at nagdeklara ng holdap.
Nanlaban ang biktima ng sapilitang kuhanin ng suspek ang pera at mga alahas nito kaya’t binaril siya ng suspek na mabilis na tumakas.
Patuloy ang follow-up operations ng pulisya upang madakip ang suspek.
- Latest



















