Mag-utol dedbol sa lunod
MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang isa sanang masayang outing matapos na masawi sa pagkalunod ang isang magkapatid sa isang beach resort sa Mati City, Davao Oriental nitong Linggo.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Gerald Torres, 25; at Clarence Torres, 17 pawang ng Brgy. Communal, Buhangin District, Davao City.
Sa report ng Mati City Police, nangyari ang insidente sa karagatang nasasakop ng Brgy. Langca ng lungsod na ito bandang alas-7:30 ng umaga.
Ayon sa mga kasamahan ng magkapatid, naligo sa dagat ang isang grupo ng mga turista at ilang minuto pa ay tinangay ang magkapatid at kapwa nalunod.
- Latest

















