^

Police Metro

Rocket debris na hinihinalang mula sa China natagpuan sa Palawan

Mer Layson - Pang-masa
Rocket debris na hinihinalang mula sa China natagpuan sa Palawan
Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang debris ay natagpuan sa katubigang malapit sa Barangay Funda sa Bisucay Island.
Philippine Coast Guard / Facebook page

MANILA, Philippines — Natagpuan ng isang mangingisda sa Palawan ang mga piraso ng rocket na pinaghihinalaang mula sa China.

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang debris ay natagpuan sa katubigang malapit sa Barangay Funda sa Bisucay Island.

Anila, Setyembre 16, 2025 nang magsagawa ng rocket launch ang China, na kinasasangkutan ng isang Long March 2C rocket, na may Yuanzheng-1S upper stage, bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng ­China sa space exploration, kabilang na ang satellite dep­loyment at technological advancements.

Kaagad namang ipi­nagbigay-alam ng punong barangay sa coast guard sa Eastern Palawan ang pagkakadiskubre sa hinihinalang rocket debris.

Nakatakda na ring ipadala ng PCG ang naturang debris sa Phi­lippine Space Agency (PSA) para sa pagsasagawa ng detalyadong pag-analisa, beripikasyon at assessment sa pinagmulan at komposisyon nito.

DEBRIS

ROCKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with