^

Police Metro

Lady contractor sa Ilocos Norte, itinumba!

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Lady contractor sa Ilocos Norte, itinumba!
Hindi pa tinukoy ng pulisya ang ­pangalan ng biktimang babae na isang civil engineer na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Kasabay ng matin­ding kontrobersya na kinasasangkutan ng mga kontratista sa mga maano­malyang flood control projects, isang lady contractor ang binaril at napatay sa ambush na naganap kama­kalawa ng gabi sa Brgy. San Marcelino, Dingras, Ilocos Norte.

Hindi pa tinukoy ng pulisya ang ­pangalan ng biktimang babae na isang civil engineer na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan.

Nangyari ang insidente bandang alas-8:30 ng gabi nitong Biyernes malapit sa kanyang bahay sa Sitio Nagmarcaan, Brgy. San Marcelino, Dingras, Ilocos Norte.

Nadatnan ang wala nang buhay na biktima sa loob ng kanyang ­puting Mitsubishi L300 na nahulog sa isang kanal kasunod ng pananambang sa kahabaan ng barangay road.

Agad na dinala ang babaeng kontratista sa isang district hospital at kalaunan ay inilipat sa ibang pasilidad medikal at doon na binawian ng buhay.

Nakarekober ang pulisya ng limang walang lamang .45 caliber cartridges sa pinangyarihan ng krimen.

Una rito, inihayag ni dating Ilocos Sur Governor na dapat silipin ng Kongreso ang mga maano­malyang flood control projects sa Ilocos Norte.

DINGRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with