Tricycle vs bus: 2 tepok, 3 sugatan
MANILA, Philippines — Namatay ang isang trike driver at kanyang pasahero habang 3 ang nasugatan matapos banggain ng bus ang tricycle sa kahabaan ng diversion road ng Brgy. San Vicente, Bato, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Noli, 45, trike driver at pasaherong si Gab. Habang patuloy na inoobserbahan sa ospital ang mga sugatang pasaherong sina Aida, 64; Ann, 21; at batang babae na 2-anyos.
Sa ulat, alas-6:30 ng gabi ay mabilis na binabagtas ng Elavil Bus Line na minamaneho ni Ed, 50, ang kahabaan ng highway nang subukan nitong mag-overtake sa sinusundang wing van truck.
Gayunman, naukupa ng bus ang linya ng kasalubong na tricycle ng mga biktima dahilan para mabangga ito at nawasak.
- Latest




















