Gretchen, dumalo sa prelim hearing ng missing sabungeros
MANILA, Philippines — Dumalo kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang aktres na si Gretchen Barreto sa preliminary hearing ng kaso ng missing sabungeros.
Si Barreto ay isa sa pinadalhan ng subpoenas ng DOJ noong nakaraang linggo at ang iba pang respondents na kinabibilangan ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang para sa preliminary investigation ng reklamong multiple murder at serious illegal detention na inihain ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.
“I trust” lamang ang narinig kay Barretto nang hingan ng komento sa tanong ng media kung naniniwala na magiging patas ang imbestigasyon.
Ang legal counsel ng aktres na si Atty. Alma Mallonga ay nagpahayag para sa inihaing counter-affdavit.
“The reason we’re filing a counter-affidavit right now… based on what we have been saying from the very beginning that we feel that the accusations against her are unsubstantiated, incredible, and there’s every basis for the complaint to be dismissed,” ani Atty. Mallonga.
Hindi naman dumalo si Ang at sa halip ay ang abogado niya na si Atty. Gabriel Villareal ang kumatawan sa kanya.
- Latest















