3 araw tigil-pasada larga na; DOTr may libreng sakay
MANILA, Philippines — Simula na ngayong araw ang arangkada ng tatlong araw ng tigil-pasada ng dalawang transport group bilang protesta sa excise tax sa produktong petrolyo at katiwalian sa gobyerno.
Subalit, agad din maglalatag ang Department of Transportation (DOTr) ng libreng sakay sa mga maaapektuhang pasahero sa isasagawang transport strike mula ngayong araw Setyembre 17 hanggang Setyembre 19.
Ang tatlong araw na strike ng Manibela ay bilang protesta sa excise tax sa produktong petrolyo at katiwalian sa gobyerno.
Habang isang araw namang magwewelga ang Piston sa Huwebes laban sa VAT, excise tax sa petrolyo, at isyu ng korapsyon.
Ayon kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez, nakahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at iba pang ahensya para maghatid ng libreng sakay.
Inatasan din aniya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tukuyin ang mga rutang maaapektuhan.
- Latest




















