^

Police Metro

2 pulis pinagbabaril ng kabaro sa checkpoint

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi habang nasa kritikal ang kaniyang kasamahan nang sila ay pagbabarilin ng kanilang kabaro habang nagbabantay sa checkpoint sa Barangay Gaddangao, Rizal, Cagayan nitong Sabado ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si alyas “Danny” ng Barangay Poblacion, Piat, Cagayan, habang patuloy pang inoobserbahan ang kasamang si alyas “Manny” na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa imbestigasyon, dumating ang kabaro na si alyas “Ali”, ng Solana, Cagayan, sa checkpoint at sa hindi malamang dahilan ay galit na tinutukan ng Galil service firearm ang mga kasamahang pulis.

Sinubukan namang pakalmahin ni Danny at ni Manny ang suspek ngunit binaril sila nito. Isinugod sa ospital si Danny, subalit idineklara na itong dead- on-arrival habang si Manny ay ni-refer sa ibang pagamutan kung saan patuloy pa siyang inoobserbahan. Habang agad naaresto ang suspek ng Rizal Police Station.

BARIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with