Misis nakuryente sa pagsampay ng damit

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang ginang matapos na ito ay makuryente habang nagsasampay ng nilabhang mga damit kamakalawa ng umaga sa Barangay Matataba, Mulanay, Quezon.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joyce, 52, may-asawa, day-care worker.
Base sa imbestigasyon, alas-10-50 ng umaga ay isinasampay ng biktima ang kanyang mga nilabhang damit na lingid sa kanyang kaalaman ay nakasabit sa live wire ang kawad kaya nakuryente ito.
Nakasigaw pa ng tulong ang biktima sa kanyang mga kapitbahay at mabilis na isinugod sa ospital, subalit nalagutan din ng hininga.
- Latest















