SUV na ginamit sa kidnapping nasa loob ng Camp Crame
MANILA, Philippines — Mahigpit na inspeksyon sa lahat ng mga sasakyan sa loob at sa mga papasok sa Camp Crame matapos na madiskubre ang isang SUV na sangkot umano sa kidnapping at natagpuan sa loob ng officers quarter o tirahan ng mga opisyal ng pulisya.
Base sa dokumento mula sa Headquarters Support Service o HSS, magkakaroon ng joint collaboration ang PNP-Highway Patrol Group, Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Headquarters Support Service (HSS) kung saan target ng operasyon ang mga pulis na lumalabag sa batas partikular ang gumagamit ng mga recovered vehicle.
Nakasaad sa dokumento na petsang Agosto 22, 2025, bawal na magparada ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada sa loob ng kampo at tanging ang mga opisyal lamang ang maaaring pumarada sa parking na nakalaan sa kanila.
Nag-ugat ang kautusan matapos na matagpuan nitong Agosto 6, 2025 ang isang sasakyan na umano’y biktima ng rent tangay at sinakyan ng 3 Chinese national at 1 Pinay na biktima ng kidnapping.
Nagbabala ang Highway Patrol Group sa mga gumagamit ng recovered vehicle o mga ebidensyang sasakyan na hindi sila sisinuhin sa pamunuan ng HPG anuman ang kanilang ranggo.
- Latest















