Mag-utol nalunod sa irrigation dam
MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pagtambay ng magkapatid sa isang irrigation dam matapos na sila ay madulas at tangayin ng malakas ng tubig at malunod naganap sa Brgy. Mayao, Oas, Albay, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang magkapatid na nasawi na sina Dante, 18 at Alvin, 16, kapwa residente ng Brgy. Ilaor Norte.
Batay sa ulat, alas-3:55 ng hapon ay nagpaalam ang magkapatid sa kanilang tatay na may pupuntahan kasama ang isang kaibigan.
Gayunman, nagpunta ang mga ito at tumambay sa tabi ng irrigation dam nang biglang madulas ang isa sa biktima kaya’t ito ay sinaklolohan ng kapatid.
Subalit, ang magkapatid ay parehong tinangay ng malakas na agos ng tubig at napunta sa malalim na bahagi ng dam at hindi na muling lumutang.
Nakahingi ng saklolo ang kasama at nakuha si Dante na dinala sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay.
Kahapon ay patuloy ang paghahanap ng mga otoridad kay Alvin.
- Latest


















