Massage spa hinoldap: 2 masahista ni-rape!

MANILA, Philippines — Inatake ng dalawang armadong holdaper ang isang massage spa at tinangay ang mga mahahalagang kagamitan ng 13 masahista, at ginahasa pa ang dalawa sa kanila sa Pasay City, Biyernes ng madaling araw.
Sa ulat, ang mga biktimang sina alyas “Michelle, 22 at “Jolina”, 22, ay ginahasa pa bukod sa pagtangay sa kanilang cellphone at iba pang gamit.
Ang 11 iba pang babaeng massage therapists na tinangayan ng kanilang mga gamit ay kinilala sa mga alyas na “Marie” 20; “Mae”, 24; “Mary”, 24; “`Erlinda”, 33; “Melissa”, 25;
“Candy”, 32; Rosemarie”, 23; “Lou Jean” 31; “Carol Ann”, 27; at Celestine”, 29. Sila ay pawang residente ng Barangay 140, pasay City.
Tinutugis na ng Pasay City Police ang dalawang suspek na armado ng ‘di tukoy na baril na tumakas sakay ng isang puti na Honda Click motorcycle.
Naganap ang insidente alas-12:55 ng madaling araw ng Agosto 29, 2025, sa massage parlor sa Cabrera St., sakop ng Brgy, 140, ng nasabing lungsod.
Nang pumasok umano ang mga suspek ay may hawak na mga baril at nagdeklara ng holdap. Hindi pa nasiyahan at ginahasa ang dalawang masahista na nakursunadahan.
Nagsagawa ng technical investigation ang Special District Forensics Unit ng Southern Police District sa crime scene at nakakuha ng ebidensya na isasalang sa forensics examination.
Matapos naman panoorin ang CCTV footage, sinimulan ang backtracking at foretracking ng tracker teams ng Pasay City Police Station upang matunton ang mga suspek.
Sa 2-rogue ng Pasay CPS, isa sa suspek na si alyas “Ashley”, 23, residente ng Pasay City, ang positibong itinuro ng isa sa biktima na gumahasa at tumangay ng kanyang gamit.
- Latest

















