^

Police Metro

P1.55 trillion target collection, nalampasan ng BIR

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinabatid ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. na nalampasan ng kanilang ahensiya ang P1.55 trillion na target collections nito para sa unang kalahati ng kasalukuyang taon matapos na makakolekta ito ng kabuuang P1.554 trillion o pagtaas ng 14.11 porsyento mula Enero hanggang Hunyo 2025 na lampas ng P4.594 bilyon sa target at 14.11% na mas mataas kaysa sa parehong panahon noong 2024.

Ayon kay Lumagui ang mataas na tax collections na ito ay resulta ng mga repormang ipinatupad ng BIR sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“Dahil sa mga reporma sa buwis tulad ng VAT on Digital Services, CREATE MORE Act, at CMEPA, patuloy nating pinalalawak ang revenue base upang matiyak na maaabot at mahihigitan natin ang target para sa buong taon”, pagbibigay-diin nito.

Sinabi rin ni Lumagui na ang hindi matatawarang dedikasyon ng mga kawani ng BIR ay siyang susi para sa mahusay na performance ng kawanihan.

Nangako si Lumagui na agresibong pa ring ipatutupad ng BIR ang tax enforcement, digitalization programs, at taxpayer service reforms.

BIR

BUWIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with