Mister, misis na buntis todas sa highway robbery
MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang mister at misis nitong buntis nang sila ay pagbabarilin ng mga holdaper sa highway sa Barangay Ugalingan, Carmen, Cotabato nitong Lunes ng hatinggabi.
Kinilala ang mga otoridad ang nasawing mag-asawa na sina Jezreel Tua Ramirez, 34, at misis nitong si Jean, 33-anyos na isang buntis.
Sa ulat, sakay ang mag-asawa ng kanilang multicab na galing sa Kabacan, Cotabato at pauwi sa kanilang bahay sa Purok 7, Brgy. Poblacion, bayan ng Carmen, Cotabato nang sila ay parahin ng mga suspek.
Nang huminto ang mag-asawa ay dito nagdeklara ng holdap ang mga suspek at kinuha ang kanilang mga pera at mahahalagang gamit.
Pagkatapos na makuha ay dito na sila pinagbabaril ng mga suspek na armado ng kalibre 45 pistol.
Namatay noon din si Ramirez habang ang kanyang buntis na asawa ay namatay kinabukasan sa ospital bunsod ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nang masiguro ng mga suspek na patay na ang mag-asawa ay mabilis ang mga ito na tumakas na ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad ang kanilang pagkakakilanlan.
- Latest















