^

Police Metro

Pulis-Maynila itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 39-anyos na pulis ang nasawi nang pagbabarilin ng isa sa riding-in-tandem, sa Pasay City, Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si P/Staff Sgt. Jomar M. Caliguiran, nakatalaga sa District Tactical Operations Center (DTOC) ng Manila Police District dahil sa tinamong tama sa kaliwang braso, 2 ang sa kili-kili at isa sa dibdib.

Nasugatan sa tama ng liga na bala sina Aljon Valdenibro, 31, at Melchor Bermundo, 64, kapwa residente ng Pasay City na ginagamot sa Manila Adventist Medical Center.

Tinutugis naman ang dalawang hindi pa kilalang mga suspek na nakita sa CCTV footage na tumatakas sakay ng motorsiklo. Sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-8:00 ng gabi sa panulukan ng Taft Avenue at Primero De Mayo St., Barangay 90, Pasay City ay nakaupo sa kanyang motorsiklo ang biktima sa harapan ng isang establisyimento, Dumaan ang isa sa suspek na nakasuot ng itim na helmet at itim na jacket na malapitang pinagbabaril ang biktima ng ilang ulit ang pulis.

Kahit may tama na ay nagawa pang makatakbo ng bahagya at gumanti ng putok, bago tulu­yang bu­magsak sa gilid ng bangketa. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with