^

Police Metro

3 todas sa pag-araro ng truck

Joy Cantos - Pang-masa
3 todas sa pag-araro ng truck
Cagayan de Oro Map.
Google Map.

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong rider habang dalawang kaangkas ang nasugatan makaraang mahagip ng truck ang sinasakyan nilang mga motorsiklo na minalas pang mahulog sa malalim na bangin sa Cagayan de Oro City nitong Biyernes.

Ang mga nasawi ay itinago sa mga pangalang John, Bert at Henry; pawang nagtamo ng matitinding sugat sa katawan na siya nitong ikinamatay.

Sa ulat ng Cagayan de Oro City Police, nangyari ang insidente sa bahagi ng highway ng Brgy. Lumbia, Cagayan de Oro City kamakalawa ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, patungo sa city proper o kalunsuran ang tatlong motorsiklo nang mabangga ang mga ito ng truck na kargado ng mga graba at buhangin na patungo naman sa Talakag, Bukidnon.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Police Office Spokesperson Captain Emilita Simon nagloko ang makina ng dump truck kaya nabangga nito ang tatlong motorsiklo na nahulog sa bangin.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon pa sa bangin na nasa 30-50 metro ang lalim ang mga motorsiklo.

Nagresponde naman ang mga rescuer at iniahon sa bangin ang mga biktima pero tatlo sa kanila ang binawian na ng buhay sa pagamutan habang dalawa pa ang patuloy na nilalapatan ng lunas.

Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang driver ng truck.

CAGAYAN DE ORO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with