^

Police Metro

Ex-CIDG chief kinasuhan sa ‘missing sabungeros’

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pormal nang nagsampa ang National Police Commission (Napolcom) ng kasong administratibo laban kay dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Brig. Gen. Romeo Macapaz matapos ireklamo ng ‘missing sabungeros’ whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan at kapatid niyang si Elakim.

Batay sa complaint ng magkapatid noong Agosto 14, tinangka umano ni Macapaz na palabasin na sila ang utak sa pagkawala ng hindi bababa sa 34 sabu­ngero noong 2021 hanggang 2022.

Sinasabing si Macapaz umano ang pumipigil sa pagbusisi sa kaso ng missing sabungeros na batay umano sa whistleblower na si Julie Patidongan, alyas “Totoy” na ito ang protector ni Atong Ang.

Sa charge sheet, inakusahan si Macapaz na kinuha nito ang cellphone ni Elakim T. Patidongan at kapatid na si Jose Patidongan at bigong isoli ang cellphone kahit makailang ulit nilang pinababalik ito, inalis umano ang messages sa device na ebidensiya sa kaso, kinuha ang SD cards ng naturang cellphone na naglalaman ng sensitibong ebidensiya na magagamit sana sa kaso.

Isinampa ng Napolcom Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) ang mga kasong grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer laban kay Macapaz sa Legal Affairs Service nitong Biyernes, Agosto 22.

SABUNGERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with