Rehab sa ‘Mt. Kamuning’ footbridge, sinimulan na

MANILA, Philippines — Inihayag nitong Huwebes ng Department of Transportation (DOTr) na sinimulan na ang pagtatayo ng mas ligtas at mas maginhawang tawiran kapalit ng tinaguriang ‘Mt. Kamuning’ footbridge sa EDSA.
Ang bagong Kamuning Concourse ay magkakaroon ng malapad na walkway, wheelchair lifts, at iba pang pasilidad para sa mga senior, PWD at ordinaryong komyuter.
Itatayo ito para direktang kumonekta sa EDSA Busway Kamuning Station, matapos mapansin na abala para sa mga pasahero ang pagdaan pa sa MRT-3 Kamuning Station bago makasakay ng bus.Target makumpleto ang proyekto sa Disyembre.
Dumalo rin sa groundbreaking sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at House Transportation Committee Chair Rep. Franz Pumaren.
Dagdag pa ni Dizon, pre-fabricated ang konstruksyon para hindi makaabala sa trapiko at mga komyuter habang ginagawa ang proyekto.
- Latest


















