3 terorista utas sa encounter
MANILA, Philippines — Napaslang ng tropa ng pamahalaan sa isang engkuwentro ang tatlong miyembro ng mga pinaghihinalaang Dawlah Islamiya (DI) terrorists habang tatlo naman ang nasakote sa pinagsanib na operasyon ng tropa ng militar at pulisya sa Brgy. Lamin, Lumbayanague, Lanao del Sur nitong Sabado.
Sa report ng AFP-Western Mindanao Command, matagal ng tinutugis ng tropa ng Army’s 103rd Infantry Brigade ang nalalabi pang grupo ng mga suspect na sangkot sa paghahasik ng terorismo sa lalawigan.
Ayon sa militar sa halip na sumurender sa tropa ng pamahalaan ay nanlaban ang mga armadong terorista na nauwi sa maikling palitan ng putok.
Tatlo sa mga ito ang magkakasunod na tumimbuwang na ang mga bangkay ay inabandona ng mga nagsitakas ng mga itong kasamahan.
Ang DI terrorist ay kaalyaso ng ISIS, ang international terror groups na wanted sa Estados Unidos.
- Latest

















