^

Police Metro

Kamara, tatalima sa final ruling ng SC

Joy Cantos - Pang-masa
Kamara, tatalima  sa final ruling ng SC
Ito ang inihayag ni Atty. Antonio Bucoy sa isang news forum sa Quezon City kaugnay ng inihaing apela ng Kamara sa SC upang baliktarin ang desisyon na unconstitutional ang impeachment laban kay VP Sara dahil ang pinagbasehan umano ng mga mahistrado ay “erroneous facts” o maling mga impormasyon sa usapin.
FREEMAN / File

Sa VP Sara impeachment

MANILA, Philippines — Hindi pagmumulan ng constitutional crisis ang Kamara na nangakong tatalima ito sa final ruling ng Korte Suprema hinggil sa inihaing impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang inihayag ni Atty. Antonio Bucoy sa isang news forum sa Quezon City kaugnay ng inihaing apela ng Kamara sa SC upang baliktarin ang desisyon na unconstitutional ang impeachment laban kay VP Sara dahil ang pinagbasehan umano ng mga mahistrado ay “erroneous facts” o maling mga impormasyon sa usapin.

“Hindi ho namin susuwayin ‘yan, susundin namin ‘yan. The House will not cause the constitutional crisis,” saad ni Bucoy.

Inihayag ni Bucoy na ang Kamara ay katalista para magsimula ng krisis sa Konstitusyon na iginiit na sa simula’t sapul ay sinunod nila ang tamang proseso sa Articles of Impeachment laban kay VP Duterte.

Noong nakaraang Miyerkules ng gabi sa botong 19-4-1 ay ganap na ini-archive ng Senado ang Articles of Impeachment na inihain ng Kamara bagay na kinuwestiyon naman ng liderato ng Kamara dahilan wala pa aniyang pinal na ruling ang Korte Suprema matapos silang maghain ng motion for reconsideration.

Sa panig ni House Deputy Speaker Janette Garin, sinabi nito na ang Kamara ay tatalima sa anumang kahihinatnan ng pinal na ruling ng Korte Suprema kung muli nitong idedeklarang unconstitutional pa ang impeachment laban sa Bise Presidente.

GARIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with