^

Police Metro

Holy water dinuraan ng babaeng vlogger

Joy Cantos - Pang-masa

Simbahan isinara muna

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ng isang babaeng vlogger sa netizens partikular na sa mga debotong Katoliko matapos na mag-viral sa social ­media ang ginawa umano nitong pambabastos ng duraan ang sisidlan ng holy water sa loob ng simbahan sa bayan ng Jimenez, Misamis Occidental.

Kaya naman ay pansamantala namang ipinasara ang St. John the Baptist Parish Church sa Jimenez dahil sa insidente.

Sa ulat na nakarating sa Jimenez Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente habang kumukuha ng vlog ang nasabing babae na nakilalang si Christine Medalla noong linggo.

Tinuligsa ng Archdiocese ng Ozamis na si Archbishop Martin Jumoad ang pambababoy umano ni Medalla sa ­kalinisan ng mga sagradong bagay.

Iniutos din nito ang pansamantalang pagsasara ng simbahan hanggang maisagawa ang pastoral assessment at penitensiya alinsunod sa Code of Canon Law.

Kaugnay nito sa isang radio interview ay itinanggi naman ni Medalla ang insidente matapos itong batikusin ng nagngingitngit na netizens partikular na ang mga debotong Katoliko.

Sa kaniyang Facebook page  na may 117,000 followers ay humingi ng tawad si Medalla sa mga Katoliko, pero iginiit na ­hindi umano siya ­dumura sa sisidlan ng Holy Water kundi yumuko at sumi­lip lang para sa kaniyang vlog.

HOLY WATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with