Relief ops ng Grab, MOVE IT, umarangkada
MANILA, Philippines — Kasunod nang matinding buhos ng ulan at pagbaha sa Luzon sa mga nakaraang linggo, kumilos ang Grab at MOVE IT para maghatid ng ayuda sa ilang mga komunidad.
Sa pakikipagtulungan ng mga lokal na driver community leaders at daan-daang volunteer riders at drivers, isinagawa ang malawakang relief operations sa mga area na tinamaan ng kalamidad sa Metro Manila at mga karatig probinsya.
Personal na nagtungo ang mga mga volunteers sa mga apektadong lugar tulad ng Marikina, Las Piñas, Cavite, Valenzuela, Navotas, at Malabon. Kanila ring binisita ang ilang siyudad sa Pampanga, Bulacan, Baguio, at Olongapo.
Libu-libong Grab at MOVE IT partners at kanilang mga pamilya ang nabigyan ng relief packs na may lamang bigas, de-lata, noodles, biskwit, kape, at mga gamot. Patunay ito sa matibay na paninindigan ng Grab at MOVE IT, kasama ang kanilang mga partners na laging handang tumugon at magmalasakit sa gitna ng sakuna.
“Ang ating mga drivers at riders ay nagsisilbing haligi ng ating serbisyo sa araw-araw,” ayon kay Ronald Roda, Managing Director ng Grab Philippines.
- Latest





















