^

Police Metro

Mga may post na ‘its complicated’ relationship sa Facebook, target ng scammers  

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Mag-ingat at iwasang mag-post ng “it’s complicated” relationship dahil sila ang karaniwang target ng mga love scammers”.

Ito ang naging payo ni Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Secretary Gilbert Cruz sa mga social media users.

Sinabi ni Cruz sa buwanang balitaan ng MACHRA sa Harbor View na ang pagpo-post ng ‘its complicated’ o anumang indikasyon na ang isang tao ay naghahanap ng romantikong relasyon ay karaniwan nang nakikita bilang prospective victims ng scammers.

Pinayuhan din ni Cruz ang mga netizens na ma­ging mapaagmatyag ­laban sa mga red flags, gaya ng pagbibigay ng mga ito ng mga larawang sobrang ganda o sobrang guwapo o di kaya ay ­yaong maituturing na ‘too good to be true.’

Babala pa ng PAOCC chief, karaniwan nang ang mga identidad o larawang ipinapadala ng scammers sa kanilang bibiktimahin ay hindi kanila.

Pag-aaralan din aniya ng mga ito ang kahinaan ng biktima at gagawa ng mga pamamaraan upang mahikayat ang mga ito na makipagrelasyon sa kanila at tuluyan silang matangayan ng pera.

Ayon kay Cruz, base sa kanilang imbestigasyon, ang mga love scammers ay guma­gamit din ng psychology at ­folderized profiles ng mga taong madaling mabiktima.

Base sa isinagawa nilang profiling, ang karaniwan ding tinatarget ng mga love scammers ay yaong mga social media account holders na retirado na, tumatanggap ng pensiyon at nasa 35 taong gulang pataas.

FACEBOOK

SCAMMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with