^

Police Metro

Tatay pinatay ang nanggulpi sa anak

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatado nang saksak ng isang 46-anyos na tatay ang 20-anyos na lalaki na gumulpi sa kanyang anak, naganap kamakalawa ng gabi sa Sitio Townsite. 2, Barangay Luctob, Macalelon, Quezon.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ay kinilalang si alyas “Edmar”. Nakapiit ngayon sa municipal jail at nahaharap sa kasong homicide ang suspek na si alyas “Norman”.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-10:10 ng gabi ay nakita ng ama na pinagsusuntok ng biktima ang kanyang panganay na anak na si Patrick kaya’t nilapitan niya ito upang awatin.

Gayunman ay nagpa­tuloy umano ang biktima sa kanyang ginagawa kaya’t binunot ng tatay ang isang gulok sa kanyang beywang at inundayan ng saksak sa likod ang una.

Matapos isagawa ang krimen ay umuwi na sa kanilang bahay ang suspek kasama ang anak, subalit kinalaunan ay nadakip sa follow up operation.

Nadala pa sa Gumaca District Hospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

QUEZON

MACALELON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with