^

Police Metro

Mag-ama utas, 1 malubha sa road accident

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag-ama habang malubha naman ang isa nilang kamag-anak nang mabundol ang kanilang motorsiklo ng isang pick-up truck sa sa Barangay Anapolon sa Arakan, Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing mag-ama na sina Jeremias Celestial at ang kanyang 5-anyos na anak na babae nang mabangga ang kanilang motorsiklo ng isang pulang Toyota pick-up truck sa Barangay Anapolon.

Naisugod din sa pagamutan ang isang menor-de-edad na pinsang lalaki ni Celestial na nakaangkas din sa kanyang motorsiklong nasangkot sa aksidente.

Nabatid na patungo sana sa isang lugar sa Arakan ang mga biktima nang maganap ang aksidente. Agad sumuko ang driver ng pick-up truck (MAR 4657) na nakabangga sa mga biktima.

ROAD ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with