Binata binaril sa computer shop, todas!

MANILA, Philippines — Pinasok sa computer shop habang naglalaro ang isang lalaking staff ng isang binate bago pinagbabaril ng diumano’y nakabangga nito dahil sa illegal na droga, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Paradahan 2, bayan ng Tanza, Cavite.
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala lang sa alyas na “Joseph”, nasa hustong gulang, parlor staff, residente ng Pabahay 2000, Brgy. Paradahan 2, Tanza, Cavite.
Nakilala naman ang tumakas na suspek sa alyas “Dodong”, residente ng Paradahan 2, Tanza, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, alas-9 ng gabi habang nasa loob ng computer shop ang biktima kasama ang kaibigan nito nang biglang dumating ang suspek at diretsong lumapit sa biktima saka pinagbabaril.
Nang duguang bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng Mio Sporty na motorsiklo.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, personal na alitan diumano na may kinalaman sa droga ang ugat ng krimen.
- Latest


















