^

Police Metro

Magkapatid nasabugan ng LPG sa Cavite

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang magkapatid na babae ang malubhang nasugatan makaraang masabugan sila ng Liquified Petrolium Gas (LPG) sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bagtas, ­Tanza, Cavite, kahapon ng ­umaga.

Kapwa nagtamo ng mga paso sa iba’t ibang bahgi ng katawan ang magkapatid na kinilalang sina alyas “Ana”, 20 at alyas “Carie”, 18, kapwa estudyante at residente ng Lessandra Subdivision ng nasabing barangay.

Sa ulat, alas-5:30 ng madaling araw ng maganap ang pagsabog kung saan magluluto na sana ng almusal ang magkapatid nang pagbukas ng gas stove ay bigla itong sumabog.

Lingid sa kaalaman ng magkapatid na may leak na pala ang regulator ng LPG tank ng mga ito at kumalat na ang amoy sa kabahayan kung kaya pagbukas ng kalan ay biglang sumambulat.

Sa lakas ng pagsabog ay nasapul ang magkapatid na agad dinala sa ospital.

EXPLOSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with