^

Police Metro

‘Corporate killings’ ang kaso ng missing sabungeros - DOJ

Ludy Bermudo - Pang-masa
‘Corporate killings’ ang kaso ng missing sabungeros - DOJ
Relatives hold photos of some missing cockfighting aficionados (sabungeros) from Manila and Laguna, as they sought help from Malacañang, Jan. 31.
Michael Varcas / File

MANILA, Philippines — Itinuturing ng Department of Justice (DOJ) na “corporate killings” ang kaso ng missing sabu­ngeros dahil sa umabot na sa Delta group ang mga persona­lidad na iniimbestigahan.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na marami pang sangkot na personalidad, batay sa mga bagong impormasyon, na ilan dito ay mga negosyante at iba’t ibang taong gobyerno.

 “Tiered lang siya according to the income stream that they all receive out of this e-sabong industry,” ani Remulla sa isang ambush interview.Corporate na corporate killing,”wika ni Remulla.

Ibinunyag din ng kalihim na may mga tawag nang tinatanggap ang DOJ na nais makipagtulungan upang malinis ang kanilang pangalan. Hinimok niya rin ang iba pang may alam na magsalita na hangga’t maaga.

Ang miyembro umano ng mga nasabing grupo ay posible na hindi alam ang nangyayari sa likod ng e-sabong.

“Mabigat itong e-sabong kasi ang dami talaga gusto sumakay dahil may pera. Hindi nila alam mabigat na pala ang presyo na kapalit ng perang kinukuha nila ay marami pala pinapapatay na tao,” aniya pa.

Aniya, naka-bracket ang grupo depende sa income na natatanggap sa e-sabong mula sa Alpha Group, Bravo Group, Charlie Group, at Delta Group.

KILLINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with