7 pulis-Maynila inaresto sa extortion
MANILA, Philippines — Pitong tauhan ng Manila Police District (MPD) kabilang ang isang opisyal ang inaresto sa reklamong extortion ng isang lalaking kanilang inaresto umano sa droga, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat, alas-11:00 ng gabi nitong Hunyo 20, 2025 nang arestuhin ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa MPD-Station 5 sa Quirino Grandstand, Ermita, Manila ang mga inireklamong pulis na isa ang may ranggong Lieutenant, 3 Staff Sergeant, at 3 Patrolman.
Nabatid na alas-8:30 ng gabi ng Hunyo 30 nang dumulog sa Regional Intelligence Division (RID) Office ang 49-anyos na biktima na dinakip at ikinulong ng mga nasabing pulis sa diumano’y paglabag sa iligal na droga.
Hinigian diumano ng P50,000.00 ang asawa ng biktima para palayain ng walang kaso, subalit P20,000.00 lamang ang na-prodyus at ipinadala umano sa GCash.
Nang makarating sa mga suspek na sila ay ipinagharap ng reklamo ay tinawagan ang suspek at isinoli ang P20,000.00 sa pamamagitan din ng GCash upang kumbinsihin na huwag ituloy ang reklamo.
Nakumpirma ng NCRPO ang mga transaksyon sa pamamagitan ng kanilang mobile phones, screenshots ng transaksyon at GCash remittance proof na nagbigay ang complainant ng pera sa mga suspek.
- Latest


















