Mga kable ng 8 camera ng NCAP sa EDSA, ninakaw

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walong kable ng kamera ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) na nakakabit sa Edsa-Guadalupe ang ninakaw.
Ayon sa MMDA, noong Hunyo 20, 2025 nang ikabit ang mga camera ng NCAP at nadiskubre lamang ito noong Hunyo 24 na nanakaw.
Nang inspeksyunin ay natukoy na putol na ang mga kable ng walong camera ng NCAP.
Pinaiimbestigahan na ang insidente upang matukoy ang mga responsable sa pagnanakaw.
May hawak na CCTV footages ang MMDA sa nasabing erya upang matunton ang mga nagnakaw ng mga kable.
- Latest















