^

Police Metro

Fare increase hiling ng TNVS sa gobyerno

Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang Transport Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines sa pamahalaan na tugunan na ang matagal nang hiling ng mga TNVS driver para sa makataru­ngang fare increase, kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at ng tensyon sa pandaigdigang merkado, lalo na sa ­Middle East.

Ayon kay Ninoy Mopas, chairperson ng TNVS Community Phi­lippines, matagal nang nakabinbin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panukalang fare adjustment para sa sektor.

“Napapanahon nang tugunan ng gobyerno ang ating petisyon upang sama-sama nating ma­panatili ang isang matatag at patas na TNVS industry,” ani Mopas. Giit ng grupo, habang hinihintay ang aksyon ng LTFRB, dapat ay agad na gumawa ng hakbang ang Department of Transportation (DOTr) para suportahan ang mga driver, lalo na sa panukalang fuel subsidies at iba pang ayuda.

Matatandaang ilang ulit na silang naghain ng petisyon para sa taas-pasahe, isa noong 2023 at nasundan ito noong Pebrero 2024, ngunit nananatili pa ring walang tugon ang mga kinauukulang ahensya.

TRANSPORT NETWORK VEHICLE SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with