^

Police Metro

Rider groups humingi ng malasakit, katarungan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Umapela ang dalawang pangunahing grupo ng mga motorcycle rider sa Motorcycle Taxi Technical Working Group (MCT-TWG) na isaalang-alang ang epekto ng mga polisiya nito sa buhay ng commuters at riders habang dinedesisyonan ang apela ng Move It na bawiin ang kautusang nagbabawas sa kalahati ng fleet ng motorcycle taxi platform.

Dinidinig ng MCT-TWG ang motion for reconsideration at supplemental appeal ng Move It upang baligtarin ang naunang kautusan nitong Abril, na maaaring magresulta sa pagkawala ng trabaho ng humigit-kumulang 14,000 riders sa Metro Manila, Cebu, at Cagayan de Oro.

Giit ng Move It, ginawa ang desisyon nang walang due process at nakabatay sa luma nang datos.

“Totoong tao ang pinag-uusapan dito, hindi ­numero. Mga tatay, mga kapatid, mga breadwinner ng kani-kanilang pamilya. Umaasa sila sa Move It para kumita at mapakain ang kanilang pamilya at paaralin ang kanilang mga anak. May tiwala kami na gagawin ng gobyerno hindi lang ang legal, kundi ang tama,” ani Andie Delos Santos, tagapagsalita ng United Motorcycle Community.

“Bakit ganu’n? Kung mawalan ba kami ng trabaho, sila ba (ang) magpapakain sa mga pamilya namin? Sila ba (ang) magbabayad ng tuition ng mga anak namin? Obvious naman na wala silang pakialam sa kapakanan ng mga apektadong driver,” lahad naman ni Romeo Maglunsod, chairman ng Motorcycle Taxi Community.

MOTORCYCLE TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with