PCO chief suportado ng media groups

MANILA, Philippines — Hayagang nagpahayag ng suporta kay Presidential Communications Secretary Jay Ruiz ang tatlong kilalang media organization dahil sa propesyonalismo, integridad bilang mamamahayag at kakayahang pamunuan ang mga komunikasyon ng pamahalaan sa panahong mataas ang panawagan para sa katotohanan at pananagutan.
Ang tatlong media organization ay ang Justice Reporters’ Organization (JUROR), SOCSKSARGEN Press Club, at Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI).
Sinabi ng JUROR, binubuo ng mga beteranong mamamahayag na nakatalaga sa justice beat—na matagal nang ipinapakita ni Ruiz ang mga katangian ng isang tagapaghatid ng impormasyon na may katarungan, kalinawan, at respeto sa karapatan ng publiko na malaman ang totoo.
Ang SOCSKSARGEN Press Club, sa pamamagitan nina Club President Joseph Jubelag at Chairman Atty. Isaias Golez Jr. ay nanawagan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihin si Ruiz sa PCO na isang bihasang broadcast journalist at pinakaakmang mamuno sa PCO.
Sinabi naman ni PAPI President Nelson Santos, dapat ang kahalagahan ng kontinwidad sa mga komunikasyon ng pamahalaan, lalo na sa panahong puno ng ingay sa pulitika at presyur mula sa publiko.
Anya, malalim na pag-unawa ni Ruiz sa parehong media landscape at pulso ng mamamayan na mga bihirang katangian na tumutugma sa mga pangangailangan ng isang modernong PCO Secretary.
Nagbabala rin si Santos tungkol sa hindi magandang tingin ng publiko sa madalas na pagpapalit ng lider sa PCO, lalo na’t si Ruiz na ang ikaapat na press secretary mula noong 2022.
- Latest















