‘Mt. Kamuning’ footbridge pinatibag ni Marcos

MANILA, Philippines — Pinatibag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation ang kontrobersiyal na footbridge sa Quezon City na tinaguriang “Mt. Kamuning” dahil sa sobrang tarik.
Ayon kay Marcos, dapat itong palitan ng mas maayos at ligtas na tawiran para sa publiko.
“Sabi niya [Pangulong Marcos], ‘Built a better one. Tear it down and build a better one’,” saad ni Transportation Secretary Vince Dizon.
Ang footbridge na itinayo noong 2018 ng MMDA ay kasing taas ng apat hanggang limang palapag at pinuna dahil mahirap gamitin, madilim sa gabi, madulas tuwing tag-ulan, at nanginginig.
Ani Dizon, ang bagong footbridge ay itatayo sa mas mababang elevation, na may mga elevator at direktang konektado sa GMA-Kamuning EDSA Busway Station.
Inaasahang magsisimula ang konstruksiyon nito ngayong taon.
- Latest




















