^

Police Metro

MRT-3, LRT-1 at 2, may libreng sakay sa June 12

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kaugnay sa pagdiriwang ng ika-127 ani­bersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 ay magkakaloob ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Lines 1 (LRT-1) at 2 (LRT-2) ng libreng sakay.

Batay sa abiso ng mga pamunuan ng mga natu­rang rail lines, nabatid na ang kanilang free rides ay maaaring i-avail ng lahat ng pasahero sa nasabing petsa, mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM, sa lahat ng kanilang train stations.

Sa panig naman ng pamunuan ng MRT-3, sinabi nito na, “Ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maghandog ng mga inisyatibong naglalayong mapagaan ang gastusin sa transportasyon at mapalaganap ang pagpapahalaga sa mahahalagang pambansang okasyon.”

Ang LRT-1 ay bumabagtas mula sa Fernando Poe Station (dating Roosevelt), sa Quezon City hanggang sa Dr. Santos Avenue sa Parañaque City, habang ang LRT-2 naman ay bumibiyahe mula sa Recto Avenue, sa Maynila hanggang Antipolo City sa Rizal.

Ang MRT-3 naman ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, Quezon City.

LIBRE SAKAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with